Lalaking nasa “totoong narco-list video” hahanapin na ng PNP

by Powered by DWIZ
0 comment
Lalaking nasa “totoong narco-list video” hahanapin na ng PNP

Ikakasa na ng PNP o Philippine National Police ang isang imbestigasyon para matukoy ang mga nasa likod ng kumakalat na video na nag-uugnay sa mga kaanak at kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang sindikato ng iligal na droga.

Ito ay kaugnay ng mga video ng isang alyas ‘Bikoy’ kung saan idinawit nito si dating Davao City vice mayor Paolo Duterte at dating special assistant to the president Bong Go sa illegal drug trade.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, magkukusa na ang PNP na tukuyin ang pagkaka-kilanlan ng uploader kahit wala pa silang natatanggap na formal complaint laban dito.

Kaugnay nito, ibinabala rin naman ni Albayalde na posibleng maharap sa kasong cyber libel ang may pakana ng pagkalat ng mga videos kung hindi nito mapatutunayan ang mga naging alegasyon nito.

Related Posts