32 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Lalaking nahulihan ng granada sa NAIA terminal 2 arestado

- Advertisement -

Hinarang ng mga otoridad ang isang lalaki matapos mahulihan ng granada sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2.

Kinilala ang naarestong suspek na si Deogracias Polmano.

Batay sa ulat ng NAIA police, ala-5:30 ng hapon kahapon nang makita sa backpack ni Polmano ang isang MK2 fragmentation grenade habang dumaraan sa initial screening section ng terminal 2.

Nabigo naman ang suspek na magpakita ng karampatang dokumento para sa nakitang granada.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A. 9156 o Illegal Possession of Explosives si Polmano at pansamantalang nakakulong sa headquarters ng NAIA police security group.

with report from Raoul Esperas (Pat 45)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -