Lalaki natagpuang wala ng buhay habang nakagapos sa gilid ng kalsada sa QC

Lalaki natagpuang wala ng buhay habang nakagapos sa gilid ng kalsada sa QC

by Powered by DWIZ
0 comment 17 views

Wala nang buhay at nakahandusay nang matagpuan ang isang lalaki sa barangay Manresa, Quezon City.

Ayon sa mga otoridad, bandang ala sais ng umaga ngayong araw ng Huwebes nang may naiulat sa kanilang may patay na lalaki nakatali ang kamay at paa sa gilid ng kalsada sa New Manila.

Samantala, hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan ng lalaki na may mga tattoo sa katawan at nakasuot ng pulang sando.

Hinihinala namang biktima ng salvage ang lalaki at itinapon lang sa naturang lugar.

0 comment

Related Posts