Lakers winakasan ang kanilang five-game losing streak kontra Bulls

by Powered by DWIZ
0 comment
Lakers winakasan ang kanilang five-game losing streak kontra Bulls

Winakasan ng Los Angeles Lakers ang kanilang five-game losing streak nang talunin nila ang Chicago Bulls sa iskor na 123-107.

Nanguna sa kanilang pagkapanalo si Lakers star Lebron James na kumamada ng tatlumpu’t anim (36) na puntos at sampung (10) rebounds.

Tumulong din sina Kentavious Cadwell-Pope na may dalawampu’t apat (24) na puntos at Kyle Kuzma na nakapagtala naman ng dalawampu’t isang (21) puntos.

Umiskor naman ng dalawampung puntos si Robin Lopez para sa Chicago habang labingsiyam na puntos naman ang naitala ni Otto Porter.

Samantala nakatakda namang makaharap ng Lakers ang koponan ng Toronto Raptors sa Biyernes.

Related Posts