Lakers wagi kontra Pelicans

by Powered by DWIZ
0 comment
Lakers wagi kontra Pelicans

Wagi ang Los Angeles Lakers sa kanilang laban kontra New Orleans Pelicans na nagtapos sa iskor na 130-102.

Nanguna sa Lakers si Rajon Rondo na sumikwat ng 24 puntos at 12 assists.

Nag-ambag din ng tig 23 puntos sina Javale Mcgee at Alex Caruso ng Lakers.

Samantala bigo naman ang 17 puntos ni Julius Randle at 15 puntos nina Jahlil Okafor at Christian Wood para maipanalo ang Pelicans.

Sunod na makakaharap ng lakers ang Oklahoma City Thunder sa Miyerkules habang makakaharap naman ng Pelicans ang Charlotte Hornets sa Huwebes.

Related Posts