Lakers forward Brandon Ingram posibleng hindi na makapaglaro sa nalalabing season ng NBA

by Powered by DWIZ
0 comment
Lakers forward Brandon Ingram posibleng hindi na makapaglaro sa nalalabing season ng NBA

Posibleng hindi na makapaglalaro si Los Angeles Lakers forward player Brandon Ingram sa nalalabing laban ng kanilang koponan sa regular season ng NBA.

Ito’y matapos ibunyag ng medical staff ng kanilang team na mayroong deep venous thrombosis sa kanang braso si Ingram, isang seryosong kondisyon sa ugat.

Magugunitang nauna ng pinalagpas ni Ingram ang kanilang dalawang laban dahil sa pananakit ng kanyang kanang balikat.

Samantala, 17 pa ang nalalabing laban ng Lakers sa kasalukuyang season ng NBA.

Related Posts