Lacson sinagot ang banat sa kanya ni Duterte

Lacson sinagot ang banat sa kanya ni Duterte

by Powered by DWIZ
0 comment 17 views

Sinagot ni Senador Panfilo Lacson ang banat sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan sinabi nitong pinipilit lamang nitong maging crusader pero ignorante naman ito.

Ayon kay Lacson, hindi man daw siya abogado ay marunong naman ay siyang magbasa at umintindi ng batas at paminsan ay nagtatanong siya sa kanyang lawyer staff.

Aniya, posibleng may problema sa sinasabi ng Pangulong nilalabanan niya ang kurapsyon dahil hindi sila nagkakaintindihan nito sa kanyang ginagawang krusada na isiwalat ang kurapsyon sa gobyerno.

Binigyang diin pa ni Lacson na hindi siya sigurado kung gusto niyang tumakbo sa pagkapangulo kaya’t di niya alam kung ano sinasabi ng Pangulo ukol dito.

0 comment

Related Posts