Philhealth- Northern Mindanao nagpahimagno sa publiko batok fixers
August 6, 2018
Bagitong pulis itinuturong utak ng isang kidnap for ransom group
August 6, 2018
Show all

Labi ni dating Ambassador Lozada binuksan sa publiko

Binuksan na sa publiko ang pagsilip sa labi ni dating Ambassador Jose Apolinario ‘Jun’ Lozada sa kanilang bahay sa Moises Padilla, Negros Occidental.

Itinakda sa August 17 ang huling necrological services kasabay nang ika-anim napu’t walong kaarawan ng dating ambassador.

Sa August 18 ay ihahatid na ang labi ni Lozada sa huling hantungan.

Ang dating kongresista na nagsilbing ambassador ng bansa sa Iraq, Vienna Austria at Palau bukod pa sa pagiging permanent representative sa Vatican.

Sumakabilang buhay noong July 31 habang naka-confine sa National Kidney and Transplant Institute o NKTI dahil sa multiple organ failure.

Comments are closed.