30.6 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Labanang Pacquiao vs Thurman posibleng hanggang round 2 lang — Golden Boy Herrera

- Advertisement -

Posible namang hindi na patagalin pa ni Pambansang Kamao Senator Manny Pacquiao ang pagpapabagsak sa undefeated na si Keith Thurman sa kanilang laban ngayong araw sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

Ayon sa jogging buddy ni Pacman na si Golden Boy Herrera, maaring umabot lang hanggang round two ang laban at tiyak aniyang agad na mana-knockout si Thurman.

Ito aniya ay dahil sa nais nang makabalik kaagad ng Pilipinas ng fighting senator para dumalo sa State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte, bukas.

Mayroon narin aniyang nakaantabay na private plane para kay Pacman kung saan inaasahang alas-3:00 ng hapon bukas, araw ng Lunes, ay darating na ito sa bansa.

Matatandaang, nauna nang umuwi ng bansa ang dalawang kapatid ni Pacman na sina OFW Partlylist Rep. Bobby Pacquiao at Sarangani Rep. Ruel Pacquiao upang masigurong makadadalo sila sa SONA ni Pangulong Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -