‘Laban TNVS’ may hirit sa LTFRB

‘Laban TNVS’ may hirit sa LTFRB

by Powered by DWIZ
0 comment 88 views

Dapat nang agarang pagpasiyahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang usapin kaugnay sa pagpapatupad ng moratorium sa panghuhuli ng mga drivers ng transport network vehicle services (TNVS) na hindi pa kumpletong nakapagparehistro.

Ito ang iginiit ng grupong Laban TNVS kasabay ng kanilang transport caravan protest mula People Power Monument hanggang main office ng LTFRB ngayong araw  kung saan sabay-sabay silang bumusina.

Ayon kay Laban TNVS Spokesperson Jun De Leon, nakabantay sila sa gagawing hakbang ng LTFRB.

Umaasa rin aniya silang, tutuparin nina LTFRB Chairman Martin Delgra at iba pang board officials ang kanilang pangakong ikukunsidera ang pangunahing interes ng mga TNVS operators at drivers sa kanilang pagpapasiya.

Magugunitang nagsagawa ng diyalogo ang LTFRB para dinggin ang mga hinaing ng mga drivers at operators ng TNVS.

0 comment

Related Posts