Laban ng Beermen at Hotshots, binulabog ng fan na nakasuot costume na Spiderman

Laban ng Beermen at Hotshots, binulabog ng fan na nakasuot costume na Spiderman

by Powered by DWIZ
0 comment 93 views

Nabulabog ang game 5 ng PBA Philippine Cup sa pagitan San Miguel Beermen at Magnolia Hotshots.

Ito ay makaraang umagaw ng eksena ang isang fan na nakasuot ng Spiderman costume na nagtatakbo sa gitna ng court bitbit ang placard na may mensaheng “vote love”.

Nangyari  ito  sa nalalabing  tatlong minuto ng  fourth quarter  kung saan  ay  bumangga pa  ang lalaking naka-Spiderman     kay  June Mar Fajardo  dahilan upang matumba  ang sentro ng San Miguel.

Agad namang dinampot ng security personnel si Spiderman na lamang iparating sa lahat ang matalinong pagboto sa eleksyon at nasa niyang magmahalaan ang lahat.

Samantala, nasilat ng Hotshots ang panalo sa Beermen sa iskor na 88-86.

Hawak na ngayon ng Magnolia ang 3-2 advantage at isang hakbang na lang para masungkit ang kampeonato.

——
0 comment

Related Posts