Kurdish fighters umalis na sa Syria matapos magpatupad ng ceasefire

Kurdish fighters umalis na sa Syria matapos magpatupad ng ceasefire

by Powered by DWIZ
0 comment 28 views

Nilisan na ng mga miyembro ng Kurdish fighters ang Syria matapos magpatupad ng ceasefire ang Turkey at Estados Unidos.

Ito ay kinumpirma ng Defense Ministry ng Turkey.

Ayon sa mga otoridad, namataan ang halos 50 sasakyan na papalabas ng syudad ng Ras-Al Ain.

Sa ngayon ay minomonitor at binabantayang maigi ang lugar na pinanggalingan ng mga Kurdish fighters para masigurong wala nang matitira sa Syria.

Matatandaang nagpatupad ng ceasefire ang 2 bansa para bigyang daan ang mapayapang pag suko ng mga Kurdish fighters.

0 comment

Related Posts