Kris Aquino break muna sa Instagram

by Powered by DWIZ
0 comment
Kris Aquino break muna sa Instagram

Pahinga raw muna si Kris Aquino sa pagpopost sa mobile app na Instagram.

Ayon kay Kris, nais niyang magkaruon ng kapayapaan sa kaniyang sarili muna.

Sinabi pa ni Kris na nais niyang itigil ang pagpapakitang okay o ayos lang siya at kailangan muna niyang pagtagpi tagpian ang mga aniya’y broken pieces sa kaniyang sarili mismo.

Babalik agad aniya siya mula sa indefinite leave sa Instagram kapag ready at sana aniya ay may babalikan pa siya.

Binanggit pa ng multimedia star na hindi na niya mababasa ang mga comments dahil buburahin na ang IG app sa kaniyang dalawang telepono.

Related Posts