Korte pinayagan tumestigo si Veloso laban sa mga kanyang recruiters

Korte pinayagan tumestigo si Veloso laban sa mga kanyang recruiters

by Powered by DWIZ
0 comment 23 views

Naniniwala ang National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) na maaaring mapagaan ang drug case ni Mary Jane Veloso sa Indonesia.

Ito ay matapos payagan ng Korte Suprema si Veloso na tumestigo laban sa kanyang mga recruiters sa pamamagitan ng isang deposition mula sa Indonesia.

Ayon kay Atty. Edre Olalia na pangulo ng NUPL, isang welcome development ang naging hakbang ng hukuman sa kaso ni Veloso.

Matatandaang, si Veloso ang Pilipinang nasa death row sa Indonesia dahil sa pagkakasangkot umano nito sa illegal na droga.

0 comment

Related Posts