Radio Philippines Network
National News

Konsulado ng PH sa HK kumikilos na para makauwi ang mga Pinoy na na-stranded sa HK Aiport

Kumikilos na ang konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong upang makauwi na ang may 50 Pinoy na stranded sa Hong Kong Airport.

Ayon kay Consul Paulo Saret, walang tauhan sa airport na maaaring magproseso ng kanilang mga dokumento kaya’t nakikipag-ugnayan na sila ngayon sa immigration.

Dahil dito, nanawagan si Saret sa mga Pilipino na ipagpaliban muna ang pagbiyahe sa Hong Kong upang hindi maabala.

Sinabi ni Saret maliban sa abala ay ligtas naman ang lahat ng Pilipino na nasa Hong Kong dahil iniaanunsyo naman ng mga protesters kung saan gaganapin ang kanilang pagkilos.

Related posts

Mega lotto 6/45 draw nasungkit ng isang mananaya

Powered by DWIZ

PNP itinanggi ang umano’y ‘tanim-droga’ sa mga checkpoint

Powered by DWIZ

Duter-Syokoy effigy ni PRRD ipaparada ng mga Militante

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More