Konstruksyon ng Kaliwa Dam umuusad na

by Powered by DWIZ
0 comment
Konstruksyon ng Kaliwa Dam umuusad na

Umuusad na ang pagpapatupad ng mga proyektong mapagkukunan ng karagdagang tubig para sa Metro Manila.

Sa gitna ng nararanasang krisis sa tubig ng mga customers ng Manila Water Inc., inihayag ni MWSS Administrator Reynaldo Velasco ang pag usad ng konstruksyon ng Kaliwa Dam sa Infanta at General Nakar sa Quezon Province.

Sinabi ni Velasco na nagkakasa na sila ng diyalogo sa mga dumagat na maaapektuhan sa pagtatayo ng Kaliwa Dam.

Kinakailangan anyang mapa payag muna nila ang mga dumagats upang makakuha ng clearance mula sa NCIP o National Commission on Indigenous People.

Ang proyekto ay popondohan ng utang mula sa China na nagkakahalaga ng mahigit 18 bilyong piso at ang konstruksyon ay isasagawa ng isa ring kumpanya mula sa China.

Related Posts