Konsehal patay sa pamamaril sa Cagayan

0
44

Pinagbabaril hanggang mamatay ang isang konsehal sa bayan ng Rizal sa lalawigan ng Cagayan.

Dead on the spot si Alfredo Alvarez, 64-taong gulang nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakilalang suspek.

Ayon sa PNP Tuguegarao, pauwi na ang biktima sa kanyang bahay sa barangay San Gabriel sakay ng kanyang sasakyan nang pagbabarilin ng mga suspek.

Iniimbestigahan na ng PNP ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.

—-