32 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Kongreso tiniyak ang suporta sa federalism

- Advertisement -

Tiniyak ng Kongreso ang kanilang pag-suporta sa charter change na magbibigay daan sa federalismo na isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bansa.

Ito’y makaraang magbanta si Moro National Liberation Front o MNLF Founding Chairman Nur Misuari ng giyera kapag hindi natuloy ang pangakong federalismo sa kanilang gobyerno.

Ayon kay Deputy Majority Leader at Congressman Rodante Marcoleta, patuloy nilang susuportahan ang mga hakbang ng pangulo sa ilalim ng constitutional process sa pagpapalit ng porma ng gobyerno.

Dagdag pa ni Marcoleta, ginawa na nila ang kanilang parte sa Kamara at isinumite na nila sa Senado ang kanilang draft federal proposal at nasa kamay na ng mga senador kung ipapasa nila ito.

(Ulat ni Jill Resontoc)

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -