Inspeksyon sa mga transport terminal pinaigting ngayong Kapaskuhan
December 6, 2018
Presyo ng ilang brand ng sardinas at corned beef tumaas
December 6, 2018
Show all

Kongresista dumistansya sa ‘pork fund’ na naisingit sa 2019 budget

Isinisi ni House Majority Leader Rolando Andaya sa House Appropriations Committee ang nabunyag na halos tig-dalawang bilyong pisong proyekto para sa distrito nila ni House Speaker Gloria Arroyo na naisingit sa panukalang budget para sa 2019.

Ayon kay Andaya, malinaw ang instruction ng House Speaker na mabigyan ng pantay-pantay na tig-animnapung (60) milyong pisong proyekto ang mga kongresista.

Sinabi ni Andaya na pinagsabihan na niya ang mga miyembro ng Appropriations Committee na kung may gagawing amyenda sa panukalang budget ay gawin ito ng harap-harapan sa bicameral conference committee upang maiwasan ang misinterpretation.

Batay aniya sa paliwanag ng komite, may request ang regional director ng Bicol Region para sa rehabilitasyon ng national highway sa kanyang distrito sa Camarines Sur na dinaraanan ng halos lahat ng sasakyang papasok ng Bicol Region na pina-unlakan naman ng komite kaya’t nilagyan ito ng halos dalawang bilyong pisong pondo.

Samantala, flood control project naman ang di umano’y request ng regional director ng Department of Public Works and Highways o DPWH sa Pampanga kaya’t nabigyan ito ng halos dalawang bilyong pisong pondo.

Una rito, ibinunyag ni Senador Panfilo Lacson na ang anya’y isiningit na halos tig-dalawang bilyong pisong pondo para lamang sa dalawang distrito sa ilalim ng panukalang budget.

—-

 

 

 

Comments are closed.