29.8 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Komendyante, wagi bilang bagong pangulo ng Ukraine

- Advertisement -

Isang komedyante na walang karanasan sa pulitika ang nagwagi bilang bagong      pangulo ng Ukraine.

Nakuha ng komedyanteng si Volodymyr Zelensky ang pitumpu’t  tatlong porsyento (73%) ng mga boto kumpara sa dalawampu’t apat na porsyento (24%) na nakuhang boto lang ng kalabang si Petro Poroshenko.

Hindi inaasahan ang resulta ng kampanya na nagsimula lamang sa biro ngunit    pagpapahayag ito ng matinding frustration ng mga tao dahil sa social injustice,    korupsyon at digmaan na kumitil sa buhay ng may labing tatlong libong buhay.

Matapos ang landslide victory, nangako naman  si Zolensky na hindi niya bibiguin  ang  kanyang mga taga-suporta at asahan  aniyang lahat ng bagay ay posible.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -