Komedyanteng si Chokoleit pumanaw na

by Powered by DWIZ
0 comment
Komedyanteng si Chokoleit pumanaw na

Pumanaw na ang komedyanteng si Chokoleit o Jonathan Aguilar Garcia sa tunay na buhay sa edad na 46.

Nagawa pang mag-perform ni Chokoleit sa isang event sa Abra nang makaranas ito ng paninikip ng dibdib na nagdulot ng kanyang pagkahirap sa paghinga na kapansin-pansin na rin habang ito’y nagtatanghal sa entablado.

Naisugod pa si Chokoleit sa ospital ngunit binawian din agad ng buhay.

Mas nakikilala si Chokoleit sa kanyang natatanging pagganap bilang si Pearly Shells sa Kapamilya fantaserye na “Marina”, maliban pa sa regular shows nito sa ABS-CBN.

Related Posts