Klinika kung saan nasawi ang isang ginang matapos magpa liposuction ipinasara na

by Powered by DWIZ
0 comment
Klinika kung saan nasawi ang isang ginang matapos magpa liposuction ipinasara na

Ipinasara na ang klinika sa Makati City kung saan nasawi ang isang ginang matapos magpa-liposuction.

Isinilbi ng Makati City Business Permit Office at ng Makati City Police ang closure order sa Contours Advanced Face and Body Sculpting Institute sa Paseo De Magallanes sa Makati.

Nabatid na walang business permit at hindi nagbabayad ng buwis ang naturang kumpanya mula taong 2011.

Matatandaang nasawi ang ginang na si Nory Bobadilla, 43 anyos at isang negosyante mula sa Negros Occidental matapos nitong sumailalim sa liposuction procedure sa nasabing klinika.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Makati City Police Chief Rogelio Simon na inihahanda na nila at ng pamilya ng biktima ang isasampang kaso laban sa may ari ng klinika.

Related Posts