Kitty Duterte naka-confine sa ospital dahil sa dengue

Kitty Duterte naka-confine sa ospital dahil sa dengue

by Powered by DWIZ
0 comment 60 views

Kasalukuyang naka-confine sa ospital sa Davao City ang bunsong anak ng Pangulo na si Veronica “Kitty” Duterte dahil sa dengue.

Batay sa ulat, napaikli ang biyahe sa Germany ni Honeylet Avanceña, common law wife ni Pangulong Rodrigo Duterte, para agad na umuwi at puntahan ang anak sa ospital.

Sinasabing, maging si Pangulo Duterte ay agad na pinuntahan ang bunsong anak pagkarating ng bansa matapos ang isang linggong working visit sa Russia.

Magugunitang, isa si Kitty sa libu-libong mga batang nabakunahan ng kontrobersiyal na dengvaxia.

0 comment

Related Posts