Kim Kardashian tumulong na mapalaya ang 17 bilanggo sa US

Kim Kardashian tumulong na mapalaya ang 17 bilanggo sa US

by Powered by DWIZ
0 comment 45 views

Tumulong ang Hollywood reality star Kim Kardashian West na mapalaya ang 17 bilanggo sa nakalipas na tatlong buwan sa Amerika.

Pinapurihan ni Atty. Britanny Barnett ng buried alive project si Kardashian dahil sa pagtulong sa mga bilanggo.

Ang mga napalayang preso ay pawang nahaharap sa mga kasong may kinalaman sa drug offense at una nang pinatawan ng habang buhay na pagkabilanggo.

Sinabi ni Barnett na seryoso si Kardashian sa kanyang adbokasiya patunay dito ay ang kanyang pag-aaral ng 18 oras kada linggo bilang paghahanda sa Bar exam at maging abogado pagdating ng 2022.

——
0 comment

Related Posts