Kim Kardashian planong magdaos ng baby-shower sa ika-apat niyang anak

by Powered by DWIZ
0 comment
Kim Kardashian planong magdaos ng baby-shower sa ika-apat niyang anak

Plano ng reality star na si Kim-Kardashian West na magdaos ng isang baby shower para sa pagsilang ng kanilang ika-apat na anak ni Kanye West.

Ngunit hindi lamang isang simpleng baby shower ang plano nito.

Plano niyang magkaroon ng isang cannabidiol-themed party para rito.

Ang cannabidiol ay isang chemical compound na nagmula sa Cannabis Plant.

Batay sa ulat, sinabi ni Kim na maaaring magpamasahe at magsasagawa rin siya ng tea ceremony para makapag-relax ang kanyang mga bisita.

Sawa na anya siya sa pagdaraos ng mga tipikal na baby games at baby showers matapos ang kanyang tatlong anak.

Samantala, isasabay naman sa naturang event ang pagpromote niya ng kanyang bagong sun glasses line.

Related Posts