Kim Kardashian gustong maging abogado

by Powered by DWIZ
0 comment
Kim Kardashian gustong maging abogado

Bukod sa pagiging television star, mayroon pang target na makamit ang model ding si Kim Kardashian-West.

Nais aniya ng TV star na mag-aral ng abogasya at target na makapag-bar exams sa taong 2022.

Sinimulan na aniya nito ang kanyang apat na taong internship sa isang law firm sa San Francisco, California noong nakaraang taon.

Bagaman hindi nagtapos sa kolehiyo si Kim na isa sa mga pangunahing requirement sa Amerika para makapasok sa law school ay kabilang naman ang California sa ilang US state na pinapayagan ang mga nais mag-abogado na mag-intern ng apat na taon bago kumuha ng bar exams.

Related Posts