Kathryn Bernardo itinangging hiwalay na sila ng nobyong si Daniel Padilla

by Powered by DWIZ
0 comment
Kathryn Bernardo itinangging hiwalay na sila ng nobyong si Daniel Padilla

Nagsalita na ang young actress na si Kathyrn Bernardo sa mga ulat na hiwalay na sila ng kanyang nobyo at kapwa Kapamilya actor na si Daniel Padilla.

Ayon kay Kathryn, hindi niya alam kung saan nanggaling ang nasabing balita na wala aniyang katotohanan.

Pagtitiyak ni Kathryn wala silang problema ni Daniel at super okay aniya silang dalawa.

Sinabi pa ng aktres, posibleng inakala ng lamang ng mga tao na naghiwalay na sila ni Daniel dahil hindi na sila nagpo-post ng mga larawan na magkasama sila.

Iginiit ni Kathryn, nais lamang nila ni Daniel na magkaroon ng privacy sa kanilang relasyon sa ngayon.

Kahapon, personal na binati ni Daniel si Kathryn matapos ng special birthday number nito sa Kapamilya variety show na ASAP.

—-

 

 

 

Related Posts