Kathryn Bernardo at Alden Richards magtatambal sa pelikula

by Powered by DWIZ
0 comment
Kathryn Bernardo at Alden Richards magtatambal sa pelikula

Magtatambal sa kauna-unahang pagkakataon sa ilalim ng Star Cinema sina teen queen Kathryn Bernardo at pambansang bae Alden Richards.

Ayon kay Alden isang karangalan sa kanya na makasama sa isang proyekto si Kathryn.

Ito ay isang romance drama tungkol sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong sa direksyon ni Direk Cathy Garcia-Molina.

Dahil din kay Direk Cathy kaya’t tinanggap agad ni Alden ang proyekto.

Kuwento ng Pambansang Bae, sobrang idol niya ang mga bida ng pelikulang One More Chance na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo kaya’t malaki aniya ang pasasalamat niyang mabigyan ng pagkakataon na makatrabaho si Direk Cathy.

Samantala, kabado naman ang makakapareha ni Alden na si Kathryn bagamat sinabi nitong nasasabik din siya sa bagong pelikulang kanilang pagsasamahan ng Kapuso actor.

—-

 

 

 

 

Related Posts