Katapatan sa naganap na halalan pinatitiyak sa COMELEC – ex CJ Sereno

Katapatan sa naganap na halalan pinatitiyak sa COMELEC – ex CJ Sereno

by Powered by DWIZ
0 comment 49 views

Hinimok ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang Commission on Elections (COMELEC) na magpalabas ng isang resolusyon.

Ito aniya ay upang matugunan at mapahupa ang pag-aalala ng publiko sa mga nangyaring kapalpakan noong nakaraang midterm elections.

Sa ipinalabas na pahayag ni Sereno, sinabi nito na dapat tiyakin ng COMELEC sa mga botante ang katapatan ng naganap na halalan sa kabila ng mga ulat ng pumalya vote counting machines (VCMs) at pagkakaantala sa pag-transmit ng election results.

Kinakailangan din aniyang siguruhin ng COMELEC na nakahanda silang magsagawa ng imbestigasyon sa mga nangyari para makapagbigay ng nararapat na sagot sa mga katanungan kaugnay ng katatapos lamang na halalan.

Iginiit pa ni Sereno, dapat ipalabas ng COMELEC ang nasabing resolusyon bago matapos ang canvassing at proklamasyon ng mga nanalong senador.

0 comment

Related Posts