29.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Kasong rape inihahanda na vs. pulis na nanghalay umano ng menor de edad

- Advertisement -

Inihahanda na ng PNP-NCRPO ang kasong rape laban sa pulis na di umano’y nanghalay sa dalagitang anak ng dalawang drug suspects.

Ayon kay PNP-NCRPO Chief Guillermo Eleazar, naisalang na sa inquest si PO1 Eduardo Valencia at inaantay na lamang nila ang mga impormasyon para may akyat sa Korte ang kaso.

Nahaharap aniya sa kasong rape na konektado sa special protection of children against abuse exploitation and discrimination act si Valencia at walang piyansang katapat ang naturang kaso.

Unang una, dinala niya sa motel, na hindi naman niya itinatanggi, una palang doon bakit mo dadalhin sa motel ‘yung bata? Gusto nating sabihin na kami ay nagpapasalamat sa mga magulang nito na inireport sa amin ang insidente, kasi kung hindi, hindi namin masasawata ‘yung karumal-dumal na krimen na ito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -