Kasong administratibo kay Retired CJ Teresita De Castro ibinasura ng SC

by Powered by DWIZ
0 comment
Kasong administratibo kay Retired CJ Teresita De Castro ibinasura ng SC

Ibinasura ng Korte Suprema ang kasong administratibo laban kay Retired Chief Justice Teresita Leonardo De Castro.

Batay sa desisyon ng Supreme Court En Banc, wala silang nakitang matibay na basehan sa kaso maliban pa sa naging moot and academic na ito matapos magretiro mula sa Korte Suprema si De Castro.

Ang kaso ay inihain ng mga kinilalang sina Elvira Enalbes, Rebecca Angeles at Estrelita Ocampo.

Nag ugat ito sa di umano’y kabiguan ni De Castro na desisyonan ang mga petisyong inihain ng mag asawang Eligio at Marcelina Mallari noong 2012 at 2013.

Related Posts