Kaso ng pagdukot sa 15 BIR officials tinututukan ng PNP

by Powered by DWIZ
0 comment
Kaso ng pagdukot sa 15 BIR officials tinututukan ng PNP

Mahigpit ngayong tinututukan ng Philippine National Police (PNP) ang mga kaso ng pagdukot sa 15 opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) mula noong 2013 hanggang sa kasalukuyan.

Ayon kay PNP Chief Police Gen. Oscar Albayalde, nakarating na ang naturang impormasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod nito ay inatasan aniya sila ng pangulo na kumpirmahin at magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa mga kidnapping case sa BIR.

Ngunit sinabi ni Albayalde na nahihirapan sila dahil ayaw magsampa ng reklamo ng mga naging biktima ng pandurukot matapos makapagbigay na ng ransom sa mga suspek.

Ilan kasi umano sa mga ito ay bigong makilala ang mga suspek habang ang iba naman ay natatakot mabalikan sila ng mga ito kapag nagsumbong sa mga pulis.

Related Posts