30.6 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Karamihan sa mga Pinoy aprub sa smoking ban sa public places

- Advertisement -

Siyam sa sampung Pilipino ang naniniwalang dapat nang ipagbawal ang paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar.

Batay ito sa survey na isinagawa ng Pulse Asia mula January 26 hanggang January 31 sa may isanlibo’t walondaang (1,800) respondents.

Lumabas sa survey na siyamnapu’t isang (91) porsyento ng mga pilipino ay nais na ipagbawal na ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Isa sa apat na Pinoy naman o dalawampu’t apat (24) na porsyento ang nagsabing gumagamit ng tabako, labingsyam na porsyento sa mga ito ay napag-alamang araw-araw na naninigarilyo.

Nangibabaw naman ang mga kalalakihan, mga self-employed at mga Katoliko sa mas maraming bilang ng mga smokers o naninigarilyo batay sa naturang survey.

Samantala, magugunitang taong 2017 nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order na nagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -