Karagdagang puwersa ipadadala ng Amerika sa Saudi Arabia

Karagdagang puwersa ipadadala ng Amerika sa Saudi Arabia

by Powered by DWIZ
0 comment 32 views

Magpapadala ng karagdagang tropa ang Estados Unidos sa Saudi Arabia para palakasin ang air and missile defense ng nabanggit na bansa.

Kasunod na rin ng nangyaring drone attack sa dalawang malaking oil facility ng Saudi Arabia noong nakaraang linggo.

Ayon sa Pentagon, inaprubahan na ni US President Donald Trump ang pagtatalaga ng katamtamang dami ng kanilang sundalo.

Gayundin ang planong pabilisin ang pagpapadala ng mga military equipment hindi lamang Saudi Arabia kundi maging sa UAE o United Arab Emirates.

0 comment

Related Posts