Campaign giveaways planong i-regulate ng Comelec
January 11, 2019
Matinding trapiko masosolusyunan ng Telecommuting Act—Panelo
January 11, 2019
Show all

Karagdagang pension sa mga Filipino war veterans tiniyak

Tiniyak ni Philippine Veterans Affair Office Administrator Ernesto Carolina na maipamamahagi na ngayong buwan ng Enero ang karagdagang pension para sa mga Filipino war veterans.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na magbibigay ng dagdag na buwanang pension sa mga Filipino war veterans.

Ayon kay Carolina, makatatanggap ng labing limang libong piso ang mga beterano sa kanilang buwanang old-age pension.

Samantala, nilinaw rin ng opisyal na ang hindi naman kabilang sa mga tumatanggap ng pension mula sa Armed Forces of the Philippines ay makakatanggap ng dalawampung libong piso kada buwan na pension.

Comments are closed.