Kapuso primetime queen Marian Rivera nanganak na

by Powered by DWIZ
0 comment
Kapuso primetime queen Marian Rivera nanganak na

Isinilang na ni Kapuso primetime queen Marian Rivera ang ikalawang anak nila ni Dingdong Dantes.

Mismong si Dingdong ang nag-post ng larawan ni Marian katabi ang bagong silang na anak nilang lalaki na ipinanganak kahapon, Martes, ala-1:35 ng hapon.

Ang second baby ng Kapuso primetime king at queen ay pinangalanang Jose Sixto Dantes IV.

Bumuhos naman ang mga pagbati sa pagsilang ni Marian ng kanilang second bundle of joy.

Taong 2015 nang isilang ni Marian ang panganay nilang si Zia.

—-

 

 

 

 

Related Posts