Basura ng SoKor hahakutin na bukas
January 12, 2019
Mga branded na tinapay at semento isinusulong na lagyan ng SRP
January 12, 2019
Show all

Kampaniya kontra kolorum na sasakyan lalong paiigtingin ng DOTr

Nakatakdang magbukas ng mga bago at dagdag na mga prangkisa ang LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board para sa mga bus, UV express at jeepney sa taong ito.

Ayon iyan sa DOTr o Department of Transportation ay bilang pagsunod na rin sa naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na paigtingin pa ang kanilang kampaniya kontra kolorum na sasakyan.

Gayundin ay bahagi na rin ng pagpapatupad ng PUV o Public Utility Vehicle Modernization program kung saan, tutukuyin ang ruta ng mga nasabing sasakyan para tugunan ang pangangailangan ng mga pasahero.

Batay sa datos ng DOTr mula Enero 2010 hanggang Hunyo 2016, aabot sa mahigit 1,700 na mga kolorum na sasakyan ang nahuli ng LTFRB sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila maging sa mga karatig lalawigan.

Nasa 3,881 kolorum na sasakyan naman ang kanilang nahuhuli mula Hulyo 2016 hanggang disyembre ng 2017.

Habang nasa 1,367 namang kolorum na sasakyan ang nahuli ng LTFRB sa iba’t ibang panig ng bansa para sa taong 2018.

Dahil dito, patuloy na pinaalalahanan ng DOTr ang publiko na huwag tangkilikin ang mga kolorum na sasakyan dahil walang ahensya ng gobyerno ang nangangasiwa sa pamantayang pangkaligtasan at paniningil nito sa pasahe.

Comments are closed.