36.1 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Kamara nakatakdang magkasa ng marathon hearing para sa 2020 proposed nat’l budget

- Advertisement -

Nakatakdang magkasa ang Kamara ng marathon hearing para maipasa sa takdang panahon ang 41 trillion pesos proposed national budget para sa taong 2020.

Ayon kay House Committee on Appropriations Chairman Rep. Isidro Ungab, simula sa Huwebes, Agosto 22 ay magsasagawa ang Kamara ng pagdining hinggil sa pambansang budget.

Kaugnay nito, inaasahan namang isumite bukas ni Acting DBM Sec. Wendel Avisado ang NEP o National Expenditure Program kay House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Ungab, magdodoble kayod ang mga mambabatas upang mabusisi ang pambansang budget at matiyak na ang bawat piso na nakapaloob dito ay magagamit sa paglago ng ekonomiya.

Kumpiyansa rin naman ang komite na matatapos ang budget hearing sa ikalawang linggo ng Setyembre upang agad na masimulan ang plenary deliberations nito.

Sa ngayon, target naman na maaprubahan ang General Appropriations Bill sa October 4 bago ang break ng Kongreso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -