Kalusugan ni Duterte walang dapat ipag-alala — Panelo

Kalusugan ni Duterte walang dapat ipag-alala — Panelo

by Powered by DWIZ
0 comment 44 views

Walang dapat ipag-alala ang publiko hinggil sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang tiniyak ng Malakanyang matapos aminin mismo ng Pangulo na meron siyang myasthenia gravis, isang uri ng neuromuscular disease.

Ayon Kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang kasalukuyang kondisyon na nararanasan ng Pangulong Duterte ay karaniwang sakit ng mga senior citizens.

Dagdag ni Panelo, hindi rin aniya ito nakakaapekto sa trabaho ng Pangulo.

Sa katunayan pa aniya ay namangha siya sa ipinakitang sipag ng Pangulo sa katatapos lamang na biyahe nito sa Russia kung saan sunod-sunod ang kanyang mga naging aktibidad.

0 comment

Related Posts