33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Kalibo International Airport isasailalim sa rehabilitasyon

- Advertisement -

Tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP na isasailalim na sa rehabilitasyon ang Kalibo International Airport na isa sa dalawang paliparan na malapit sa Boracay Island.

Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, tinatayang P17.9-million ang halaga ng proyekto para sa pagsasaayos ng Kalibo International Airport.

Pahayag ni Apolonio, tinatrabaho na ngayon ng CAAP ang extension ng paliparan upang mas marami pang local at international tourists ang mapagsilbihan nito.

Base aniya sa datos, tinatayang 2.5 million na mga turista ang napagsilbihan ng naturang airport noong nakalipas na taon ngunit isang milyon lamang mula sa pigurang ito ang galing sa Pilipinas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -