Radio Philippines Network
Headlines National News

Kailangan padin kumbinsihin ni Cong. Alan Cayetano ang mga kapwa kongresista para iboto siya — Pimentel

Kailangan pa din kumbinsihin ni Cong. Alan Peter Cayetano ang mga kapwa kongresista na iboto siya sa pagka House speaker sa pagbubukas ng 18th Congress sa Hulyo 22.

Ito ang inihayag ni PDP Laban President Koko Pimentel, makaraang igiit na bagamat  advantage para kay Cayetano ang pag endorso ng pangulo sa term sharing scheme sa pagitan niya at ni Cong. Lord Allan Velasco pero hindi anya ito kasiguruhan.

Kaya anya may pulong kagabi si Cong. Cayetano at mga kinawatan ng PDP Laban para pag usapan at maging klaro ang sistem ng hatian tulad ng hatian sa committee chairmanship.

Dahil sa 85 anya ang miyembro ng PDP Laban, sinabi ni Sen. Pimentel na dapat lang na bigyan ng posisyon amg mga senior members ng kanilang partido at dapat na hayaan silang maisulong ang kanilang legislative agenda.

Nilinaw ni Sen. Pimentel na dahil sa ang nagsalita ay si Pangulong Duterte hinggil sa term sharing nina Cayetano at Velasco, handang sumunod ang mga taga PDP Laban, maliban na lang kung sa gagawing negosasyon ay abusuhin maagrabaydo at balewalain ang kanilang partido, ibang usapan na anya kapag ganito ang nangyari.

(with report from Cely Ortega- Bueno)

Related posts

Taal Volcano patuloy na nakapagtatala ng volcanic earthquake

Powered by DWIZ

Suplay, presyo ng isda ‘di apektado ng umiiral na ‘enhanced community quarantine’ sa Luzon

Powered by DWIZ

Duterte sa 64 BOC employees: ‘Leave or loose everything’

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More