Kahong naglalaman ng cocaine narekober sa karagatan ng Cam Norte

by Powered by DWIZ
0 comment
Kahong naglalaman ng cocaine narekober sa karagatan ng Cam Norte

Isa pang kahon na puno ng cocaine ang narekober ng mangingisda sa bayan ng Vinzons, Camarines Norte.

Palutang-lutang malapit sa isla ng Quinamnucan ang kahon nang mamataan ng mga mangingisdang sina Alfredo Vega Sr. at anak na si Alfredo Jr. ng Barangay Sula, kahapon.

Agad iniabot ng mag-amang Vegas ang droga kay Barangay Sula Chairman Rose Marie Abogado na nag-turn-over naman sa mga pulis.

Sumasailalim na sa pagsusuri ang narekober na droga upang mabatid ang halaga at timbang nito.

Pinaniniwalaang bahagi ang kahon ng kilo-kilong iligal na droga na narekober din sa naturang lugar noong isang taon.

—-

 

 

 

Related Posts