28.2 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Kahilingan ng NUPL ibinasura ng Court of Appeals

- Advertisement -

Ibinasura ng Court of Appeals ang kahilingan ng NUPL o National Union of People’s Lawyers.

Ito ay para mag isyu ang C.A ng TPO o Temporary Protection Order para hindi umano ma harass at mapagtangkaan ang mga miyembro ng NUPL.

Sinabi ng Appellate Court na nakapag isyu na ang Korte Suprema ng writ of amparo pabor sa NUPL kaya’t wala ng dahilan para magpalabas sila ng hiwalay na TPO.

Ayon sa C.A, sapat na ang writ of amparo para mahadlangan ang anumang banta o kahit pa paglabag sa karapatan ng isang partido.

Ipinabatid din ng C.A na bigo ang NUPL na magsumite ng listahan ng mga miyembro ng NUPL na mabe benipisyuhan ng nasabing protection order at tukuyin ang tao o institusyon na magbibigay dapat ng proteksyon na hinihingi nila.

(with report from Bert Mozo)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -