Kabataan party-list itinanggi ang pagre-recruit sa mga estudyante para maging CPP-NPA

Kabataan party-list itinanggi ang pagre-recruit sa mga estudyante para maging CPP-NPA

by Powered by DWIZ
0 comment 17 views

Itinanggi ng kabataan partylist sa pangunguna ni Cong. Sarah Elago na kanilang hino-hostage ang mga estudyante para irecruit sa CPP-NPA.

Ito ay matapos magsumite ang League of Parents of the Philippines (LPP) ng writ of habeas corpus laban sa kabataan partylist para ilabas ang umano’y nawawala nilang mga anak.

Giit ni Elago na walang katotohanan ang mga alegasyon sa ipinaparatang sa kanila.

Samantala, pinag iisipan na ng grupo ng kabataan partylist na mag sumite na rin ng counter charges.

(from report of Jill Resontoc)

0 comment

Related Posts