30.2 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Julie Andrews gagawaran ng lifetime achievement award

- Advertisement -

Igagawad ng American Film Institute ang lifetime achievement award sa batikang aktres na si Julie Andrews.

Ito ay isa sa pinakaprestihiyosong pagkilala sa American film industry at ang nasabing film institute ay isa sa pinakatinitingalang film school sa buong mundo.

Ayon sa naturang award giving body, tatanggapin ni Andrews ang parangal sa Abril sa susunod na taon.

Matatandaang ang aktres din ang tumanggap ng Grammy lifetime achievement award na iginawad noong taong 2011.

Nakilala si Andrews sa pagganap nito sa mga pelikulang Mary Poppins, Princess Diaries at ang musical na Sound of Music.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -