Julia Barretto ikinalungkot na nauwi sa gulo ang pagsasama-sama ng pamilya Barretto

Julia Barretto ikinalungkot na nauwi sa gulo ang pagsasama-sama ng pamilya Barretto

by Powered by DWIZ
0 comment 26 views

Nanindigan ang aktres na si Julia Barretto na hindi makikisali sa away ng kanyang ina at mga kapatid nitong si Gretchen at Claudine.

Ayon kay Julia, ikinalulugkot niya na nauwi sa magulong eksena ang dapat na sana’y pagtitipon tipon ng buong Barretto sa burol ng kanyang Lolo Miguel sa Heritage Park.

Aniya, pinipili nalang nitong manahimik sa kabila ng mga paratang na ipinapataw sa kanya at sa pamilya barretto.

Matatandaang matagal nang may hidwaan ang magkakapatid na Barretto at mas lumalim umano ang iringan dahil sa pagpapadala nina Gretchen at Claudine ng bulaklak kay Bea Alonzo matapos ang usapang sangkot umano si Julia sa hiwalayang Bea at Gerald Anderson.

0 comment

Related Posts