Jordan Clarkson pasok na sa line up ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup

Jordan Clarkson pasok na sa line up ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup

by Powered by DWIZ
114 views

Pasok na si Filipino-American player Jordan Clarkson sa line up ng national basketball team na sasabak sa FIBA World Cup.

Inanunsyo ito mismo ni Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao sa nalalabing 50 araw bago ang world cup.

Bukod kay Clarkson, pasok na rin sa Gilas pool sina Kiefer Ravena, June Mar Fajardo, Cj Perez, Robert Bolick, Andray Blatche.

Bukod pa ito kina Japeth Aguilar, Raymond Almazan, Mark Barroca, Beau Belga, Poy Erram, Marcio Lassiter, Paul Lee, Gabe Norwood, Roger Pogoy, Stanley Pringle, Troy Rosario, Christian Standhardinger at Matthew Wright.

Gaganaping sa China ang FIBA World Cup simula August 31 kung saan ka grupo ng Pilipinas ang basketball powerhouse na Serbia kasama ang Angola at Italy.

0 comment

Related Posts