Joma Sison hinimok si Pangulong Duterte na muling buhayin ang peace talks

by Powered by DWIZ
0 comment
Joma Sison hinimok si Pangulong Duterte na muling buhayin ang peace talks

Hinimok ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Joma Sison si Pangulong Rodrigo Duterte na muling buhayin ang usapang pangkapayapaan.

Ito, aniya ay upang maiwasan ni Pangulong Duterte na mapunta sa impyerno oras na sumakabilang buhay na ito.

Ayon kay Sison, nakatakda nang mapunta si Pangulong Duterte sa impyerno dahil sa mga ginawa nitong pagtataksil, pangmamalupit, pagpatay at kurapsyon.

Gayunman sinabi ni Sison na posible pang mabago ang tadhana ng pangulo kung magiging seryoso at tapat sa muling pagbuhay sa usapang pangkapayapaan.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa miting de avance sa Davao City na nakahanda siyang sabayan si Sison papuntang impyerno oras na sumakabilang buhay na sila.

—–

Related Posts