Joint memo para sa foreign workers pina-aaprubahan na

by Powered by DWIZ
0 comment
Joint memo para sa foreign workers pina-aaprubahan na

Pina-aaprubahan na kay Pangulong Rodrigo Duterte ng iba’t-ibang sangay ng pamahalaan ang joint memorandum circular para sa foreign workers.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ini-rekumenda ng Department of Labor and Employment, Department of Finance, Department of Foreign Affairs, Department of Justice at Bureau of Immigration ang paglagda ng pangulo sa nasabing polisiya.

Layon ng joint memorandum circular na ito na mag-plantsa ng polisiya para sa mga dayuhang nag-nanais na magtrabaho sa bansa, lalo na sa mga nasa offshore gaming operations at business process outsourcing.

Sa ilalim nito, lahat ng foreign nationals na nag nanais na magtrabaho sa Pilipinas ay kailangan munang kumuha ng alien employment permit, working visa, at tax identification number.

Samantala, sinabi naman ni Labor sec. Silvestre Bello III na ang mga Chinese, Japanese at Koreans ang mga dayuhan na nangungunang nagtatrabaho sa Pilipinas.

Related Posts