‘John Denver Trending’ humakot ng mga awards sa Cinemalaya

by Powered by DWIZ
0 comment
‘John Denver Trending’ humakot ng mga awards sa Cinemalaya

Humakot ng award ang indie film na ‘John Denver Trending’ sa sikat na Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ngayong taon.

Itinanghal ito bilang best full length film at nakuha naman ng bida na si Jansen Magpusao ang best actor award.

Nakuha rin nito ang best cinematography award, best original musical score at ang special award na Netpac award for full length film.

Ginanap ang awards night ng Cinemalaya kagabi sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

Related Posts